Home » , » PAGPAPAHALAGA SA PAMILYANG PILIPINO - MILANIO

PAGPAPAHALAGA SA PAMILYANG PILIPINO - MILANIO


Pagpapahalaga sa pamilyang Pilipino

Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang
komunidad at mahalaga ang pamilya sa pagbuo
ng sambayanan.

Importante ang papel na ginagampanan ng
isang ama na tinaguriang ‘‘haligi ng tahanan.

Ang ama ay hindi lamang dapat maging good provider
manapa’y dapat siyang maging role model ng kanyang
mga anak. Pagmamahal, paggalang at pakikipagtulungan
para maayos ang takbo ng pamumuhay ang dapat na
mamayani sa isang pamilya.

Dapat na hubugin ng mga magulang ang mga anak nila
para maging mabuting mamamayan. ang halaga ng disiplina
gaya ng mga dapat na gawin para mapangalagaan
ang katiwasayan at ang kalikasan.
Pahalagahan ang pagdarasal na siyang nagbibigkis
sa mga kasapi ng isang pamilyang Pilipino.

Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo?
May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y
tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay
na gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng
kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay;
isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga
bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang
lamang kahon ang pamilya.

Nagiging maganda at
makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa
rito ng mga tao.  Kailangang sidlan muna ito ng
laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito.
Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga
pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal,
paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa.
Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. A
ng paglalabas ng higit sa isinilid natin ay
magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.




Anim ang Katangiang Kailangan sa Pagbubuo ng
Matatag na Pamilya

         
Para mapuno ang “kahon”, kailangang magkaroon ng
sumusunod na katangian ang isang pamilya:

1. may pananagutan (komitment) sila sa isa’t isa;

2. nagpapakita ng pagpapahalaga;

3. may mabuting komunikasyon;

4. may panahong nagkakasama-sama sila;


Pananagutan/Komitment

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang
pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,
sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang
pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.
Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at
mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.


Pagpapahalaga

Kapag ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa
pamamagitan ng mga salita at gawa, naipakikita
natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi
natin sila.  Maiging isipin kung gaano natin
pinahahalagahan ang iba.  Ngunit, hindi nila
malalaman ang nararamdaman natin hangga’t hindi natin
sinasabi.  Maraming pamilya ang may espesyal na
pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama
upang maipadama ang pagpapahalaga sa magulang.
Maraming kultura ang nagdiriwang ng mga tanging
araw para parangalan ang mga bata.


Pag-agapay

Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya.
Magagamit nila ang problema para maging lalong matatag
at malapit sa isa’t isa.  Kung medyo babaguhin natin
ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis
ay isang oportunidad para maging matatag.


Komunikasyon

Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang
magkaroon ng komunikasyon. Kailangan nating kausapin,
pakinggan, at unawain ang isa’t isa.  Kailangang may
makahati tayo sa ating mga kaisipan at damdamin.
Sa ganitong paraan tayo natututong magtiwala at umasa
sa isa’t isa.



Oras

Dahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan
sa buhay, wala tayong panahong makita o makasama
ang isa’t isa.  Mahalagang maglaan ng panahon para
magkasama-sama upang makita ang isa’t isa at maging
matibay ang bigkis ng pamilya.  Maraming paraan para
magkasama-sama.


Pagpapahalaga at Paniniwala

Nagsisimba man sila o hindi, may pinananaligang
dakilang kabutihan o kapangyarihan sa kanilang buhay
ang matatatag na pamilya.  Ang pananalig na iyon ang
nabibigay sa kanila ng lakas at layunin.
Iniimpluwensiyahan nito ang kanilang pang-araw-araw
na kaisipan at kilos.
Maging modelo ng inyong pamilya sa pagsasabuhay ng
inyong mga paniniwala.


NILATHALA
BRM
Share this article :

0 comments:

Post a Comment

FOLLOW AND LIKE US ON FB

Powered By Blogger

MANAGEMENT

 
BLOG ADMINISTRATORS : Bench | Helen |Medy |Vilma |Pina GRAPHICS | TECH. ADMIN.: Bench
Copyright © 2018. MILANIO FAMILY REUNION ASSOCIATION - All Rights Reserved
Website Owner: MILANIO FAMILY
Template Created by MILANIO FAMILY Tech. Group Published by MILANIO FAMILY Proudly powered by MILANIO Blogger